Ang muling pagkabuhay ni Dead Balagtas

Kahit pinag-isa lamang ang pangalang Emiliana Kampilan, naging sikat ito sa mga mambabasa ng Dead Balagtas, isang serye ng komiks na pinagsasama ang kasaysayan at kulturang popular.

Higit sa 8,000 ang likes na sa Facebook page ng Dead Balagtas, at ang numero na iyan ay patuloy na umaakyat. Suot ng bayong na may butas para sa kanyang mata at bibig (isang hindi puwedeng tanggalin para sa panayam na ito), sinasabi ni Emiliana na tinatago niya ang kanyang pagkakakilanlan upang bigyang pokus ang kanyang mga likha.

Nagkasakit si Emiliana noong nakaraang taon, at hindi siya nakapag-update sa panahon na iyaon. Sa ngayon, nagtatrabaho siya upang muling buhayin ang Facebook page (ang isa sa mga bago niyang likha ay isang nakakatawang kwento tungkol sa relasyon ni Julio Nacpil at Gregoria de Jesus). Ninanais din niyang tapusin ang aklat ng Dead Balagtas na nagsisimula sa paglikha ng uniberso sa pananaw ng mga katutubong Bisaya.

Misteryosong babae: Parating itinatago ng komikero ang kanyang mukha gamit ang bayong na may butas para sa mata at bibig.  |  Art by Eunice Gatdula

YOUNG STAR: Paano yung proseso ng paggawa ng isang Dead Balagtas komik? Nagsisimula ba ito sa pananaliksik?

EMILIANA KAMPILAN: Depende siya sa kung anong kailangan. Halimbawa kasi ang  pinaguusapan dito ay web comics at yung engagement sa Internet ay iba sa newspaper. Sa web comics, mayroong element ng audience engagement kung saan kailangan mo din salain ang audience mo. Hindi to ibig sabihin na sinusundan mo ang audience — kung baga, pinoproseso mo kung anong kailangan ng mga tao sa internet. Halimbawa, ano yung mga mainit na issue ngayon? Mga extrajudicial killing. So I think of a topic na ano yung historical event which I can relate to this? And I remember, and then that’s how I decide to do the comic. As for the other comics, they are just randomly generated. Oo nga pala, nakakatawa naman na si Julio Nakpil, sinalo niya bigla si Oriang pagkamatay ni Bonifacio. And then you end up wondering, matagal na ba kaya siya attracted kay Oryang?

Nabanggit mo na gusto mong isipin na makakakita kung ano ang totoo at gawa-gawa ang iyong mga mambabasa dahil “hindi sila tanga”. May nakita ka bang pormula para maging interesado sila?

May mga kapansin-pansin naman na pattern sa kung anong trip ng mga tao: basta pag-ibig? Naku ang mga tao. Basta couple, papatusin nila. Pag sikat ang bayani, mas marami rin ang na-iinteres at mataas ang engagement. Marahil dahil mas ‘relatable’ at mas katawa-tawa rin ang komiks. Mas madali ma-gets ng mambabasa. Marahil kasi sa kaso ng mga kilalang bayani, di na nila kailangan pang ipakilala sa mambabasa.  Halimbawa instant na ang investment sa karakter ni Rizal o ni Bonifacio ng mambabasa kasi kilala niya ang mga ito e. Alam niya ang pinagdaanan ng mga taong ito. Hindi gaya nina Escoda, Tapar, Papa Isio, Miguel Malvar. At kapag Filipino-American war o kaya American colonial era, hindi rin happy mga tao diyan. Marami rin kasing naniniwala na ‘positibo’ all in all ang dinala ng Imperyalismo ng mga Amerikano sa atin.

Pero kahit may patterns, hindi ko rin ito sinusunod. Sa palagay ko ito ang hamon sa web comic creatorsang iwasan ang virality at ang temptasyon na maging goal ay share-ability lang ng ating komiks. Yan kasi ang trend sa webkomics. Dapat ang pakay ay makapag-contribute sa kamalayang bayan ang komiks maski sa internet pa yan o sa dyaryo. Parang Motolite dapat, pangmatagalan. Hindi ko tinutukoy rito na dapat ‘ma-print’ ang webkomiks ha. Hindi iyon ang ibig sabihin ng pangmatagalan.

Halimbawa – bato bato sa langit na lang – yung mga komiks na puro Game of Thrones, Walking Dead, at kung anu-ano pang usong television show o laro, o meme-worthy na komiks, icompile at iprint natin, sige. Malamang 1-3 years nakakatawa pa yan. Pero bigyan mo ng limang taon. Patagalin pa natin: 10 years, 20 years. – wala na yan. Pwede nang iwaksi sa kamalayan ng bayan. E yung Pugad Baboy ni Medina, ang Pupung, Baltic and Co., at kahit pa si Kenkoygaya ng mga gawa ni Chuck Jones, ni Tezuka, ni Watterson, ni Naoko Takeuchi o ni Riyoko Ikedahindi naluluma ang mga komiks nila. May mapupulot at mapupulot ang mambabasa.  Sa kamalayang bayan ang balik ng mga likhang sining na ito – binukot levels ang kwento.

Sinsasabi mo na wala kang balak na ibunyag ang iyong pagkakakilanlan. Epektibo ba ito?

Ang aking anonymity ay paradoxical. Ang intension ko sa paggawa nito ay para ihiwalay ang may-akda sa kanyang gawa. At ayos nga e, kasi laging ang bukambibig ay “Yung Dead Balagtas” o kaya “Si Dead Balagtas”, at masaya ako kapag nadidinig ko ito kasi nakikita ko na ang alam at kilala ng mambabasa ay yung komiks mismo at hindi ako. Pero nagtataka sila at nacu-curious kung sino ako at minsan napupunta rin ang atensyon nung reader sa kung sino ba talaga ako.

Ano ang masasabi mo sa mga mag-aaral na sinasabing hindi nakahahalina and kasaysayan ng Pilipinas?

Mga bata o feeling bata, kung nag-eenjoy kayo sa Game of Thrones, ang mga nangyari sa mga ninuno natin ay mas malala pa sa mga ginawa nina Ramsay at ng iba pang kontrabida diyan sa mga Stark. Kung Les Miserables naman ang tipo mo, e bakit di mo na lang basahin ang romansa ng Lakambini at ng Ama ng Rebolusyon? O kaya ng OTP ng bayan: si Diego at Gabriela Silang? Ang kasaysayan ng Pilipinas ay isa sa mga pinaka-makulay na kasaysayan sa mundo; at seryoso ko pong sinasabi ito.  Paano naman malalaman na boring ang kasaysayan kung di babasahin diba? Kaya basahin na lang. Nandiyan ang kasagutan sa mga paghihirap mo at ng bayan. Makatitiyak kayo: mahahanap niyo ang tinig niyo sa kwentong buhay ng mga bayani ng bayang ito.

Tags:
#comics #politics #profile

Share this:

FacebookTwitterEmailGoogle+